VIRUS!  

Posted by desza in , ,


Waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!
Ang sarap isigaw lahat ng himutok! Hahaha!


Halos isang buwan na rin akong hindi napadpad sa palasyo ko dito.
Hay buhay, bakit ba kasi kung kelan i have all the time and chance to do so eh hindi ako pinagbigyan? Nakakaasar nga naman... Excited pa naman sana akong tapusin lahat ng commitments ko para makatambay dito ng bigla na lang....

Kaboom!
Isang malaking bomba ang bumagsak mula kung saan at tila ba ako isang musmos na napatanga na lang sa shock. At naiwan ko pa nga sa ire ang mga dapat kong gawin...



Ano nga ba talagang bomba ang bumagsak sa akin?


Teka lang, hindi naman bomba un eh...

VIRUS!!!!
Publish Post
Varicella...

Parang ang ganda ng kanyang pangalan noh? Subalit isa naman ito sa pinakagrabeng sakit na dumapo sa akin..

Super Duper talaga ang pahirap na dinaanan ko dahil sa kanya. haizt!

Wala naman kasi siyang gamot.. ang choice mo lang talaga eh ang maghintay kung kelan ka gagaling.. idagdag mo pa ang pananakit ng katawan, lagnat, at sobrang pangangati! Grabe, sumabay pa ang pag-atake ng dysmenorrhea ko. huhuhu!


Langyang Bulutong yun!
(i-post ko sana ung tunay kung pic kya lng ngbgo ang isip ko. NAKAKAHIYA!)

at di pa jan nagtatapos ang pagdurusa ko...


Akala ko, ok lang na maiwan sa bahay, tutal may blogosphere akong matatambayan..


Tapos bigla na namang nayanig ang mundo ko ng malaman ko buhat sa aking kapatid na pati ang mahal kong computer ay navirus!

Talagang minamalas ang maldita, ni wala nga akong alam sa anatomy ng computer, lalo na sa mga sakit nito! Ayun, hindi ko na xa ma-open.hehehe..

Naisin ko mang pumunta sa kaibigan kong may alam dito ay hindi naman ako makalabas ng bahay.. Ni ayaw ko ngang makita ang sarili ko sa salamin ng kasagsagan ng sakit ko. Kawawang bata... Literal talagang naburo sa lungga nya.

Buti na lang ngayon at nakalabas din ako. Mga ilang hakbang lang naman mula sa bahay namin ang net cafe. Yun nga lang, may bayad.. Kaya heto, limited lang talaga ang oras ko dito..

Ano ba yan.. panu pa ako makakabloghopping nito??


Waaaaaahhhh! Miss na miss ko na dito!

Pero wala akong magagawa.. hintayin ko na lang na matapos ang kalbaryo kong ito. ;-(


Nga pala...
Sa mga nakakaalala pa ring bumisita sa palasyo ko, kahit wala ang prinsesa para istimahin kayo...
M
araming salamat po!

This entry was posted on Miyerkules, Marso 18, 2009 at Miyerkules, Marso 18, 2009 and is filed under , , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

5 de palabras

Takteng virus 'yan! Pati ang Mahal na Prinsesa, nadale. Di bale, Kamahalan, magpapahanap ako ng bulaklak ng kampupot sa buong kaharian para gumaling ka na.

Marso 18, 2009 nang 5:35 AM

Hi Desza,

Sorry to hear that you got sick.. wawa din naman pc mo nagka-virus.. ang alam ko lang jan eh i-reformat mo PC mo and start from the beginning yun lang ginagawa ko pagnagka-virus PC ko.

By the way, I got you tagged dun sa "Tagged Once Again" na entry ko.. please visit it for more info.. hehe.. The rule is to list down the names that you are called by... blah blah blah

Get well soon! TC

MonzAvenue

Marso 18, 2009 nang 5:50 AM

ok ka na ba ngaayon? naku di pa ako nagkakaganyan so i feel scared. mahirap daw kasi pag matanda ka na tapos saka ka magkakaroon. natatakot tuloy ako! aba at hinawaan mo pa computer mo ah!! pls get well soon ^^ mwahhh!!

Marso 18, 2009 nang 9:53 AM

MIKE:

Okay na po ako.. Marami pong salamat sa gamot na hatid nyo..hehe


MON:

Magaling na ako pero ung computer ko kahit pinareformat ko na, mas lalong nagloko.. kaya heto ngayon lang nakabalik..hahaha

Ung utang ko po sa tag... uhm i will try na matapos un asap..:)

Thanks a lot!=)


CYNDI:

Waaahhh.. Ang hirap talaga magkaganun. Ang dami pa nyang bakas na naiwan.huhu. Pati nga kapatid ko nga nahawaan. Kaya ingat ka rin sa mga virus ha!

Salamat...mwuaaah!^^,

Abril 5, 2009 nang 8:20 AM

wawa! sa tutuo lang, di pa ako nagkakabulutong. scary! ;-)

Abril 15, 2009 nang 10:04 PM

Mag-post ng isang Komento