Sampung Churva=)  

Posted by desza in ,


Talamak na pala ang ganitong gimik sa blogosphere..
At dahil nais raw akong makilala ni mon, sige na nga't papatulan ko rin.
Nga pala, ayokong atakehin ng epistaxis.. Pero nahihirapan naman akong isipin kung ano nga ba ang dapat kong isulat. Pengeng tisyu. hehe^^.
Gusto ko sana 9 are untrue and 1 is not a lie. Kaya lang im not good in telling lies. Good gurl eh. Kaya follow the rules ang drama.
Ang daming ek-ek churva. Start na nga....


Uno: I am a proud Pangasinense.
- "Manisya kayod syak, taga-Pangasinan ak met!". Intindihin nyo na lang. Haha. Pero grade 5 na ata ako bago ko pa matutunan ang dialect namin. Takang-taka naman ang titser ko noon kung bakit parang may sarili daw akong mundo at di ko man lang sinusunod ang mga inuutos niya. Hello? Panu naman kaya yun, eh di ko nga magets mga pinagdadaldal nya ey. :-p

Dos: I am the youngest eldest.
- Anu daw? Hahaha! Halos lahat kasi kaming magkakabagang mga panganay (yup, i am the ate in our family). Ganunpaman, ako ang bunso sa grupo. Pinakabata ang lola niyo... hindi lang sa aming magkakaibigan, pati na rin sa buong batch namin!

Tres: I am a certified virgin. (gaya-gaya)
- Never been kissed, never been touched...sa private part. Ayoko nga. Save the last for the best. hehe.

Cuatro: I am a night owl who happens to have hypersomnia.
- I could stay awake the whole night pag kailangan, pag nalilibang o pag may iniisip. Pero pag inatake ako ng antok, ewan ko na lang. Kaya kong matulog kahit saan... Sa sasakyan, sa ibang bahay, sa tabi-tabi, sa klase! Minsan pa nga, nahuli ako ng lecturer na natutulog. Nasa harap pa ako nun. Kahiya-hiya! (Gulat ang lahat: -----a, kaw ba yan??? hehe)

Cinco: I love music.
-
Listening to it is good but hearing my voice is great... great idea to break your eardrums! Hahaha! Mahilig talaga akong kumanta, Videoke queen nga raw sabi nila.. Malas mo lang pag kasama kita. Di ka na nga makasunod sa mikropono, sasakit pa ng iyong ulo sa naririnig mo. Subalit pag umindak naman ako ang saliw ng musika, tiyak kang hahanga. =)

Seis: I am an NPA.
-
No Permanent Address, tol. Ilang bahay na nga ba tinirhan ko? Mahigit isang dosena!

Siete: I am a Registered Nurse.=)
-
Last year ako nagtake at nakapasa..at hanggang ngayon wala pang matinong karanasan sa loob ng ospital bilang RN. Anong klaseng trabaho kasi pinasok ko nun. Di bale, bata pa naman ako para magpakatoxic. Hahaha!

Ocho: I love to eat.
-
Hobby ko talaga yan. Anything edible basta masarap pinapatulan ko.

Nueve: I can understand basic Niponggo.
-
Walang kokontra. Basic nga di ba? hehe

Diez: I am photogenic.
-
Madami talagang nagsasabi nyan. Kasi naman, sa personal pangit talaga ako. echuz!


Gusto mo ba talaga akong makilala? Please view my profile. At hanapin dun ang pagmumukha ko.hehehe^^,

At dahil tag-tagan etow, wala naman akong maisip na i-tag.
Ahhh... c vhonne na lang, tutal malaki utang na loob ko jan. hahaha!


This entry was posted on Huwebes, Pebrero 19, 2009 at Huwebes, Pebrero 19, 2009 and is filed under , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

13 de palabras

kabwasan ed sikayo!
Hindi ako taga Pangasinan, pero nadestino ako sa Dagupan.NAririnig ko iyan sa isang kasamahan ko.

hmmm.... alin kaya ang lie.... parang totoo naman lahat.

Numero nueve siguro. Parang napakiramdaman ko lang.

Pebrero 20, 2009 nang 3:20 PM

Labid ckau! Hahaha^^

San sa dagupan? Hmmn.. Kala ko 2loy tagad2 ka rin..0_o

Ayoko ngang sabihin, pero ung isang lie, may bahid pa rin ng katotohanan. Sabi ko nga, di ako marunong magsinungaling. hehehe;)

Pebrero 21, 2009 nang 2:39 AM

Wow!! Tapos na pala.. hehe.. Tenchu! Sorry ngayon ko lang nabasa.. Stupid me, ngayon lang kita na-add sa bloglist di ko tuloy nalaman may bagong post ka na pala.. haha

Anyways, which one is a Lie? hmm,.. i'm turn between numbers 3 and 9. hehe

Pebrero 21, 2009 nang 3:33 AM

MON:

hehe..ok lng un.

hmmp, bakit naman ung 3 ang hula mo? gnaya ko lng un sau pero totoo un.. cguro un ang dakilang lie sa post mo noh? hahaha!

Arigatou gozaimasu!
Ja mata!^^

Pebrero 21, 2009 nang 4:21 AM

secret muna.. saka na ang revelation.. haha.. see ya around in this blogosphere! ;)

Pebrero 21, 2009 nang 10:29 AM

parang walang lie a....


pero ayos ang numero TRES..

panalo!..maswerte ang mapapangasawa mo..(",)

Pebrero 22, 2009 nang 8:07 AM

@MON:

Need ko rin bang gumawa ng revelation? hehe.. nakakatuwa naman, tama ung hula ko... Pero kaw mali!hihi^^


@PAJAY:

haizt meron pa ring lie jan kahit papano..hehehe;)

Talagang maswerte kung sino man siya=)

Pebrero 23, 2009 nang 4:25 AM

tawang tawa naman ako sa #1 mo, imagine titser mo e di mo masunod ang utos nya dahil sa dialect..hahahaha, ang tindi mo desza..buti naman at nung grade 5 ka na e natuto ka na rin..
ok naman ang tag at para nga makilala ka ng mga ka blog natin, mas nagkakaroon kase ng idea ang mga kalikot na bloggers pag ganyang nababasa nila ang yong tag...ingat na lang desza...salamat sa pagdaan..

Pebrero 23, 2009 nang 5:55 AM

@PAYATOT:

Aheks..akala nga nila super boba ako kasi laging di maipasa mga tests. dapat kasi di ung dialect ang ginagamit nya sa pagtuturo. hahaha!

nakita ko na rin kung ganu kahelpful ang tag na 2 para magkakakilala mga pipol d2.^^

salamat ha! ingat ka rin po lagi;)

Pebrero 25, 2009 nang 5:43 AM
Hindi-nagpakilala  

Wow, pleased to meet you!

Ako nga ilang taon ko nang pinag aaralan yung book ng Japanese Made Easy.. Common greetings pa palng alam ko..
2 lang sa list mo ang pagkakaiba natin, pramiz!

cheers!

Pebrero 25, 2009 nang 6:15 AM

Hi Desza,
kamusta ka na?
i got you tagged on my latest entry..hehe

pls visit my page for more info.
Thanks ^_^

Marso 6, 2009 nang 7:55 PM

wow... special pala ako... ako lng ang binigyan mo ng tag... ahaha... ngaun lng ulit ako nakakapag blog hop kaya ngaun ko lng nabasa ito... bakasyon kasi eh... hehehe...

salamat...

Abril 8, 2009 nang 7:58 PM
Hindi-nagpakilala  

sugoi jan ;-) it was interesting reading about you. have a good week!

Abril 15, 2009 nang 10:06 PM

Mag-post ng isang Komento