Nalate ako ng gising. Iyon nga marahil ang bunga ng matagal kong pagmumuni-muni kagabi. Tinatamad na naman tuloy akong pumasok. Subalit baka bigla na namang may importanteng mangyari na hindi ko man lang malaman. Kaya sige na nga't hahayo na.
Paalis na rin pala ang aking mader dear. Ibig sabihin, maiiwan na naman ako sa munti naming bahay. Na iiwan ko rin naman. At bago siya tuluyang lumisan, mahigpit ang kanyang naging bilin: I-LOCK MO ANG PINTO BAGO KA UMALIS.
Maliligo na rin sana ako. Pero dahil sa lumulutang ata ako (mukha ngang apektado. tsk!), naisipan kong buksan ang computer at maglakwatsa sandali sa blogosperyo. Napadaan tuloy ako sa Mike Avenue. Agad namang tumambad sa akin ang ISTORYA NG PINTO. (Sige lang, nawiwili na naman ako't nakalimutan na ang oras. Hahaha!)
Pagbalik ko sa sarili kong blog, aba at ang huli ko palang post ay may kinalaman pa sa mga kumakatok. Ano ba naman, lahat na ata ng mga meron sa araw na ito ay may kinalaman sa pinto. Animo'y ipinahihiwatig nito ang tunay na bumabagabag sa aking isipan.
Matanda na raw ako (Naku naman, bata pa po ako!)
Nasa akin na raw ang lahat (un ang akala nila:c..)
Kulang na lang isang matinong lovelife (well, agree naman ako jan)
Bakit daw hindi ko pagbuksan ang mga kumakatok sa aking puso?
Ang banat ko naman..
Bakit ba kailangan niyong ibalik sa akin ang katanungang sa akin din nanggaling?
Hanggang sa bigla na lang akong natulala. Aba, nawindang ang lola mo. Matalino pa naman akong maituring, ngunit bakit ngayon ko lang ito napagtanto???
Marami na rin palang nakapasok sa munting sulok ng aking pagkatao nang di ko namamalayan.
Tulad na lang ngayon, mayroon na namang isang sanggano ang sumipot. In fairness, nagpaalam naman siya. Subalit hindi ko man siya pinagbuksan, nakapasok pa rin siya at namalagi ng sandali. Nawili rin naman ako sa kanya. Natuwa at nagustuhan ang kanyang presensya. Ganunpaman, sadyang masaklap ang pagkakataon. Gusto ko na sana siyang itago. Akala ko nga naka-lock ang pinto at di na siya makakaalis. Nagkamali na naman ako, nabuksan niya ito at nagpasyang magpaalam.
Ngayon ang araw ng kanyang pag-alis.. Opo, literal nga ang kanyang paglisan. Kaya nga naiinis ako eh. Bakit kung kelan may nabubuo saka naman biglang mauudlot. Nangako naman siyang babalik. Hihintayin na lang daw niya ang panahon na kaya ko na siyang pagbuksan at tanggapin nang buong-puso.
Naguguluhan na naman ako. Ang gulo kasi ng isip ko. At dahil super late na rin naman ako, hindi na rin ako nakapasok. Hahaha!