Malapit na naman ang Araw ng mga Puso.. Kaya heto ako, nag-eemote na naman! hahaha!^^, But don't get me wrong, hindi po ito mala-"emo". Nais ko lang ibahagi sa inyo ang ilan sa mga kwentong pambalentayns na aking natuklasan/nabatid/naranasan... lahat, ngayong araw na 'to.
1. Hindi Tanggap
Inumpisahan ni Rose sa tanong na "Paano kaya kung hindi tanggap ng mga magulang mo ang iyong kasintahan at sa halip ay ang iyong eks ang hinahanap-hanap nila?" Hindi ako agad nakasagot. Akala ko kasi siya ung hindi tanggap. Un pala, siya ung eks (ang haba ng hair!). Hehe.. Natutwa naman daw siya sa kaniyang nalaman. Pero hindi na rin niya pinipilit ang sarili sa dating nobyo. Ilang beses na raw siyang nagpakababa para dito at ayaw na niyang mangyari muli ito. Ang hindi lang niya matanggap, bakit hanggang ngayon ay hindi niya ito makalimutan?
2. Inspirado
Agaw-eksena ang pagdating ni Ian sa chapter. Paano kasi, bagong gupit ang loko.. nagmukhang-tao! hahaha! Masaya raw kasi siya at may kadate sa sabado.. ang kanyang bagong nobya. Ganun nga siguro ang inspirado, gumaganda ang tingin sa mundo. Nagbabago para sa taong minamahal mo. Inaayos ang buhay at nagpapaganda o nagpapagwapo..hehe..
3. Boring
Nagulat naman ako sa natuklasan ko. Si Rochelle na kadalasan ay tahimik lang sa isang sulok ay may nobyo na pala. At magdadalawang taon na rin sila. Pero hindi un ang ikinagulat ko. Sabi niya kasi ayaw na niya sa bf nya dahil boring daw ito. At hindi pa marunong humalik. (Ano? Hindi ba ang sarili niya ang tinutukoy niya?hehe) Hindi lang niya alam kung paano niya ito hihiwalayan sapagkat kilala na ang isa't isa ng mga pamilya nila. Hay..
4. Susundan
Nakapagtataka kung bakit tahimik si Sir Nanny. Nariyan pala ang kanyang nobya. Ahem, pag-ibig nga naman, pag pumasok sa puso ninuman, ay iyong susundan. Well, pumasok lang kasi ang nobya niya sa chapter dahil sa kanya. Pero in fairness, sweet naman ang dalawa at mukhang masaya sa piling ng isa't isa. Selosa nga lang daw ang gurl kaya ang buong atensyon ni sir ay nasa sa kanya.
5. Kumakatok
Sa pagtawag ko kay Leng, may chika akong nasagap. Si Emz, may bagong kaibigan na mukha daw talagang may gusto sa kanya. Hmmmnnn.. Talaga namang may kumakatok na rin sa puso ng kaibigan kong ito na presidente ng federation ng mga NBSB. Hehehe... Pagbigyan naman kaya niya ito?
6. Summary
Napansin mo ba na ang salitang 'naranasan' sa unang bahagi ng post ko?
Siyempre hindi rin naman ako pahuhuli. Kahit ako may may sariling kwento ng pag-ibig. Ngayong araw na 'to? Naman!
Lubdub! Lubdub! Lubdub! Pakiramdam ko ay naririnig ng mga kasakayan ko sa jeep ang kabog ng aking puso ng mga sandaling iyon. Hindi ko kasi talaga inasahan na pagkaraan ng ilang buwan ay makikita ko siya. Sayang nga lang at talagang sandali lang ang sandaling iyon.
Natawa tuloy ako sa sarili ko. Si Rose nagtatanong, bakit hindi pa rin siya makalimot? Ilang buwan na raw silang wala. Samantalang ako.. hay, ilang taon na nga ba? Hahaha!
Biglang nagbago ang mood ko.. kung nung umaga parang walang buhay, biglang kay tamis ng ngiting sumilay. Naalala ko tuloy... ayon daw sa kanya, ang mga panahong naging kami ay ang pinakamatino niya. Kung tutuusin, wala kaming dapat na naging problema eh. Naging tahimik at boring nga lang siguro ang naging relasyon namin. At ako, marahil ay naging duwag lang para sundin ang sigaw ng aking damdamin. Hinayaan ko na lang na mawala siya..haizt! Kaya un, di man ko man lang naranasan ang magkaroon ng kabalentino sa bday ni kris aquino. hehehe..
Meron din namang mga kumakatok, pero bakit ganun? hindi ko sila mapagbuksan?