Jeep at Panaginip
Ilang oras na ang lumipas nang ako'y magising. Nakapaghilamos na, nakapagligpit ng kuwarto, nakanood ng TV, nakapag-internet sandali. At habang ako'y naglilinis na ng bahay, bigla akong may naalala.
Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi. Isang panaginip na hindi nga pala pangkaraniwan. Isang panaginip na marahil ay isang kahilingan. Isang panaginip na ikaw ang nilalaman.
Bigla kitang naalala.
Nakasakay raw tayo sa isang jeepney. Teka. Jeep? Lagi na lang bang jeep ang setting ng mga panaginip ko tungkol sa iyo? Sabagay, isa nga naman iyon sa mga lugar ng iilang alaala na kasama ka. Kaya in one way or another, ang jeepney ay isa sa mga espesyal na sa akin. (Insert Spongecola's Jeepney here)
Tapos, may aleng sumakay na may dalang bag. Bumaba ulit siya para may kausapin sandali. Pero biglang umalis ang jeep. Naiwan siya. At naiwan rin ang mga gamit niya.
Di ko mapigilang ikumpara ang aking sarili sa kanya.Tumigil lang kasi ako sandali noon para sa mga pangarap ko, di ko na namanlayan, umalis ka na pala nang di man lang nagpapaalam. Iniwan mo ako agad. naiwan pati mga katanungang kailanman ay di na mabibigyan ng kasagutan. Naiwan naman ang isang parte ng buhay ko sa'yo. naiwan sa'yo ang puso ko.
Tumigil ang jeep sa isang lugar. doon na pala ang destinasyon nito. At dahil nga sa bag na naiwan nung ale, napilitan akong kausapin ka. Nakakatawa, kinausap lang kita dahil kailangan. Kinausap lang kita dahil wala ng ibang pagpipiliian. Kahit na simula pa lang ng biyahe, gustong-gusto na kitang lapitan... gustong-gusto na kitang kausapin. Ngunit hindi ko nagawa. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob.
Masakit para sa akin ang mapalapit sa iyo. Masakit kasi kahit isang metro lang ang layo mo sa akin, hindi pa rin kita malapitan, hindi maabot. At alam mo ba kung ano ang mas masakit? Yung ang lapit mo nga, lahat ng pagkakataon nakalatag na, subalit hindi mo pa rin ako kinausap. Ni hindi mo ako pinansin.
Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari. basta ang sumunod na eksena, nakasakay ka na ulit. Sa ibang jeep. Samantalang ako, hindi na muling sumakay.
Nakangiti kang lumisan. Ang tamis.
At ako? Nakangiti ring naiwan. Ang pait.
Nakaalis ka na. Papunta sa iba. Hindi na kita muling makikita. Hindi ka na babalik.
At narito pa rin ako. hindi na muling makasakay sa ibang jeep. Hindi na makausad. Hindi na makaalis.
Napanaginipan kita kagabi.
Naalala kita ngayon.
Minahal kita noon.
Makakalimutan din kita; kung hindi man bukas, darating din ang panahon.
PLANS.
Sa ngayon, marami akong plano sa buhay. But the big problem is I can’t even device a plan on how to realize those plans. Kaya nga until now I’ve got this double fear – fear that I don’t know how to play this game and fear that I would not win the game.
Haay.. i think i need big help here.
Deariz,
You have come a long way. Now you've proven it...even though you still have a long way to go. You are indeed special! Please do not ever question your significance as a person again. You know many appreciate you not only as a person but also as a true friend. And even if some think the other way, you know in your heart that you have nothing to be upset about. Many people love you for what you are. Perhaps they really do not know the 'real' you but at least they appreciate you. Please love yourself unconditionally.
GOD LOVES YOU.
Tumambad sa akin ang sulat na yan habang nagghahalukay ako sa mga inaalikabok ng gamit ko sa cabinet. Naguilty naman ako bigla. May papramis-pramis pa ako sa sarili ko nun, di ko naman matupad. May mga pagkakataon kasi na kahit anong positive na ilagay sa utak, naaatract pa rin ang mga negative vibrations. And you just can't help but feel bad...and worse, empty. Tapos, darating pa ung time na gusto mong umiyak, sumigaw at ilabas lahat ng sakit at sama ng loob. Pero magmumukha ka namang tanga kung basta-basta ka na lang gagawa ng eksena without any definite reason, di ba? Magtataka naman mga tao sa paligid mo. For sure uusisain ka pa kung ano bang problema. Baka mailabas mo pa nang wala sa oras ang mga bagay na di na nila dapat pang malaman. O baka bigla ka na lang damputin at dalhin sa mental. hehe!
Ewan ko ba kung bakit itong mga nakaraang araw eh nag-eemote-emote na naman ako. Di ko naman siguro sinasabayan ang pagiging lonely ng friend ko dahil sa break-up nila ng kanyang girlet. O ang pagdadalamhati ng best ko sa pagkawala ng kanyang lola.. O ang heartaches ng isa ko pang friend dahil sa betrayal of trust ng friend nya at ng babaero niyang mahal.
Ako? Ano nga bang problema ko?
Marami. Nangunguna na jan ang pera. HAhA! Meron din sa puso, sa pamilya, at sa career. Ganunpaman, kumpara naman sa problema ng iba, isang maliit na binilog na buger lang ang mga problema ko sa ngayon. So bakit naiisip ko ang mga naiisip ko?
Naisip ko tuloy ipaskil ang sulat na yun dito sa palasyo ko, pati na rin sa isang sulok ng barong-barong namin.
Para naman lagi kong nakikita.
A reminder of a promise.
I am blessed, recognized, and loved. And there's no reason for me to feel that way.^__^
Isa sa mga bibihirang pagkakataon na nagkataong tumaon sa araw na madadagdagan ng isang taon ang aking taon. :D
Ayoko pang matulog.. Kahit nagrerebelde na ang talukap ng aking mga mata. Sumasabay pa ang pagtibok ng aking ulo (yup, hindi po puso), masakit na raw siya.. Inaaya na rin ako ng kama, unan at kumot sa panaginip. Ngunit ayaw akong payagan ng utak ko. Ang dami pa kasing naglalaro sa kanya. Parang walang kapaguran, walang katapusan.
Hay, bilib talaga ako sa utak kong 'to. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero marami na rin siyang napahanga... Hindi lang nila alam, kadalasan hindi siya nagagamit ng tama. Hahaha.. At marami na rin siyang napagdaanan. At tingnan mo naman, pagkatapos ng dalawampung taon, hindi pa rin siya bumibigay (kahit mukhang malapit na ata, hehe).
Alam ko, mas marami pang tidbits of knowledge, experiences, challenges at memories ang papasok sa kanya at makikipaglaro. Sana kayanin pa nya... Sana hindi sya tuluyang masira at itapon sa mundo ng schizophrenia. ^^,
Para hindi mangyari yun, mukhang kailangan ko na muna siyang ipahinga. At sana bukas sa aking paggising, mga masasayang alaala naman ang dumagdag sa koleksyon nya.
MALIGAYANG KAARAWAN sa'yo DES!
Isa sa mga pinakaayaw kong ugali ng isang tao ay ang pagiging sinungaling. Sobra akong naiirita sa mga hindi nagsasabi ng totoo. Lagi ko ngang sinasabi, mas gugustuhin ko pang masaktan ng katotohanan kaysa sa masaksak sa likod ng isang kasinungalingan. In short, i hate lies.
Ngunit di naman kaila sa atin na ang mundong ito ay puno ng kasinungalingan.. Dapat din bang magalit ako sa mundo?
Ang mga tao sa paligid ko'y nagsisinungaling din... Sapat ba itong dahilan upang kamuhian sila?
Ako man, inaamin ko, ay isang dakilang sinungaling... Nararapat din kaya na ako'y mapoot sa aking sarili?
Ayon, narealize kong ang kapal ko pala para sabihing galit ako sa mga sinungaling. Ang araw ko nga lang ngayon ay puno na ng kasinungalingan. Gusto mo bang malaman ang mga kasinungalingan ko ngayong araw? Kung oo, sige basa pa...
> Paalis ako ng bahay. Tinanong ako ni mama kung may pera pa ako. Sabi ko, wala po. kahit ang totoo, may ilang daan pang nakaipit sa pitaka.
> Tinanong din nila ako kung san ako kakain. Makikikain na lang ako sa opisina, ang sabi ko. Pero sa isang fastfood nagkalaman ang sikmura.
> Inalok ko ang isang kasamahan ng pagkaing dala. Buti na lang at umayaw siya pagkat kulang pa yun sa akin. Gutom kaya ako't mahal pa ang pagkakabili ko dun.
> May inutos sa akin. Nakakapagod din ang paakyat-pababa ng hagdan. Okay lang ba ako? Oo sabay ngiti... Hay nagtatanong pa, bakit hindi na lang kaya ako tulungan?
> May batang namamalimos. Wala akong pera eh, sagot ko kahit may ilang barya pa sa aking bulsa.
Ilan pa lang ang mga iyan sa mga pagkakataong hindi ako naging matapat. Pero ano nga kayang mangyayari kung lubos na magiging honest ang mga tao sa mundo? hmmm..
> Kung sinabi kong may pera pa ako kanina, hindi ako bibigyan ni mama. Mababawasan na naman ang matagal ko ng iniipon.
> Kung sinabi kong balak kong dumaan sa fastfood para kumain, mapapagalitan ako't pipiliting kumain muna bago umalis. Late na naman ako nyan.
> Kung hindi ko inalok ang kasamahan ko, sasabihin nila napakadamot ko. Next time di na nila ako bibigyan pag sila naman may pagkain.
> Kung nagreklamo ako sa inutos sa akin, maboboljak ako ni sir. Bawas ganda points.
> Kung sinabi kong may barya pa ako sa bulsa, di ako titigilan ng batang yun at mawawalan ako ng pamasahe.
Tsk.. Tsk.. Tsk.. Mahirap din pala kung super honest ka. Kaya okay lang maging sinungaling paminsan-minsan. Hahaha!
Simple lang na mga white lies ang mga nabanggit sa itaas. Pero aminin natin, may mga pagkakataong tayo ay nagsisinungaling hindi lang sa mga taong nakapaligid, kundo maging sa ating mga sarili. Pinipili nating magbulagbulagan o di kaya ay magbingibingihan sa katotohanan. HIndi man natin gustong manloko, nagagawa pa rin natin. Kadalasan pa nga, mismong mga sarili natin ang ating niloloko. Mahirap talagang gawin ang bagay na kinamumuhian mo, subalit ganun talaga ang buhay... Hindi mo gusto, ngunit kailangan.
Ganunpaman, mas mabuti pa rin kung sa katotohanan tayo nabubuhay, di ba? Masaktan man tayo, at least alam natin na wala tayong niloloko. Okay lang na magsinungaling paminsan-minsan, pero wag naman palagi. Wag mamihasa, baka masanay ka. Baka sa susunod, ikaw mismo hindi mo na masabi kung ano ang peke o ang totoo.
Sabi nga nila, "TRUTH HURTS BUT LIES KILL."
Isang buwan...
Sakto nga!

Kani-kanina lang naisip balikan ang palasyong tila nakalimutan na..
Nagdadalawang-isip pa nga akong magsulat sapagkat wala akong maisip maisulat. haha!
Labo-labo na rin kasi ang utak ko dulot ng mga bagay-bagay na nasaksihan, naramdaman, nasubukan, naalala, napuntahan, nagawa... sa loob ng isang buwan.
Ang bilis din pala ng panahon.
Di ko namamalayan ang pagtakbo nito.
Pakiramdam ko tuloy, napagiwanan na naman ako. hahaha!
..Sya: "Ano ka ba Desza, anong napag-iwanan? Kakasabi mo lang na sa loob lang ng isang buwan ay napakarami ng nagpalabo ng utak mo!"
Ako: "Ayon, nga eh, nagpalabo.. wala bang malinaw na daan para sa mga nais kong puntahan?"
..Sya: "Meron. Hindi mo nga lang makita. Kung ano-ano kasi ang ginagawa't iniisip mo. In short, ANG LABO MO."
Ako: "Kaya nga. Ano bang dapat kong gawin?"
..Sya: "May isang salamin. Isang salamin na napakaganda. Yun nga lang, napakarami nitong bahid ng samu't saring bagay na hindi maipaliwanag kung ano. Iba't iba ang kulay. May puti, itim. rainbow colors.. Ngayon, matatawag pa ba itong salamin kung hindi mo naman makita ang iyong sarili dito? Anong silbi ng isang salaming napakalabo?
Ako: "Uhm..Display? maganda naman siya kamo..hehe"
..Sya: "May magagandahan ba sa isang magandang bagay na punong-puno naman ng dumi?"
Ako: "Siguro..."
..Sya: "Sige, maganda na kung maganda. Pero ano naman ang halaga nito kung hindi mo naman magamit ang intended purpose nito?"
Ako: "Oo na, useless na sya."
..Sya: "So para magamit mo sya, anong dapat mong gawin?"
Ako: "Ano pa, eh di linisin...duh"
..Sya: "Mismo. At pag malinis na ito makikita mo na ang dapat mong makita."
Ako: "Ang sarili ko?"
..Sya: "Naman! At hindi lang yun. Makikita mo rin ang tunay nitong kagandahan. Mas maipagmamalaki mo't maididisplay kung yan ang gusto mo. Higit sa lahat, makikita mo rin kung ano ang nasa paligid mo."
Ako: "Oo nga noh."
..Sya: "Matalino ka naman eh. Magpakatino ka lang. Ayusin mo ang utak mo. Malay mo, nariyan lang pala sa tabi-tabi ang hinahanap mo...hindi mo lang makita sapagkat ang labo mo."
Ako: "Ang purpose kung bakit ako nananatili sa mundong ito?"
..Sya: "SAKTO!"
****************
Tatlumpong araw...
Isang buwan...
Sakto nga!
April 19, 2009 - ang huli kong post.
May 19, 2009 - ang date ngayon.
June 19, 2009 - ano nga ba? Goodbye 19! hahaha!^^,
Ang sarap isigaw lahat ng himutok! Hahaha!
Halos isang buwan na rin akong hindi napadpad sa palasyo ko dito.
Hay buhay, bakit ba kasi kung kelan i have all the time and chance to do so eh hindi ako pinagbigyan? Nakakaasar nga naman... Excited pa naman sana akong tapusin lahat ng commitments ko para makatambay dito ng bigla na lang....
Isang malaking bomba ang bumagsak mula kung saan at tila ba ako isang musmos na napatanga na lang sa shock. At naiwan ko pa nga sa ire ang mga dapat kong gawin...
Ano nga ba talagang bomba ang bumagsak sa akin?
Teka lang, hindi naman bomba un eh...
Parang ang ganda ng kanyang pangalan noh? Subalit isa naman ito sa pinakagrabeng sakit na dumapo sa akin..
Super Duper talaga ang pahirap na dinaanan ko dahil sa kanya. haizt!
Wala naman kasi siyang gamot.. ang choice mo lang talaga eh ang maghintay kung kelan ka gagaling.. idagdag mo pa ang pananakit ng katawan, lagnat, at sobrang pangangati! Grabe, sumabay pa ang pag-atake ng dysmenorrhea ko. huhuhu!
Akala ko, ok lang na maiwan sa bahay, tutal may blogosphere akong matatambayan..
Tapos bigla na namang nayanig ang mundo ko ng malaman ko buhat sa aking kapatid na pati ang mahal kong computer ay navirus!
Talagang minamalas ang maldita, ni wala nga akong alam sa anatomy ng computer, lalo na sa mga sakit nito! Ayun, hindi ko na xa ma-open.hehehe..
Naisin ko mang pumunta sa kaibigan kong may alam dito ay hindi naman ako makalabas ng bahay.. Ni ayaw ko ngang makita ang sarili ko sa salamin ng kasagsagan ng sakit ko. Kawawang bata... Literal talagang naburo sa lungga nya.
Buti na lang ngayon at nakalabas din ako. Mga ilang hakbang lang naman mula sa bahay namin ang net cafe. Yun nga lang, may bayad.. Kaya heto, limited lang talaga ang oras ko dito..
Ano ba yan.. panu pa ako makakabloghopping nito??
Waaaaaahhhh! Miss na miss ko na dito!
Pero wala akong magagawa.. hintayin ko na lang na matapos ang kalbaryo kong ito. ;-(
Nga pala...
Sa mga nakakaalala pa ring bumisita sa palasyo ko, kahit wala ang prinsesa para istimahin kayo...
Maraming salamat po!
Lalong lalo namang wala sa plano ang pagkwento ko dito. Wala lang, hindi naman siguro bawal..db?
Sana naman may magbasa.>>>^^,]
ayun, nakapagduty din kahit wala pang dalawang oras. nakita't nakausap ko rin ang mga kasamahan ko doon..
Si John at ang kanyang royal blood.pagkatapos namin doon, naisipan na rin naming pumunta sa eskwelahan at magpagawa ng id. hinihintay na rin kami ni july doon. but to our dismay, di pa pala makukuha - sa "pagbabalik" pa. tsk! pero okay na rin, at least nakita ko at nakausap ang ilan sa mga kaibigan ko doon (mam portz, mam chit, mam xana, mam belle, manang, edison, sir alvin, boss bon., mam onez.) subalit, kamalas-malasan, nakita ako ni vpa at as usual tinanong kung ano ng nangyari sakin. ayoko nga sanang magpakita sa kanya dahil wala akong magandang balita. hay, nahihiya lang ako.
after that, nepo uli kami. naglibre kasi si emz ng siomai at kami ay napabili ng zagu (kahit malamig!). matapos kumain, nagpaalam na sina francis at john, bitbit ang kanya-kanyang dahilan. di rin nagtagal at nilisan na rin namin ang food court.
pagbaba ng escalator, sina honey marie at ate rofel (kasama ang inaaanak ko..>dmi ko ng utang d2) lang naman ang aming nakita.
paglabas ng mall, sa isang salon naman ang tinungo namin - magpapagupit kasi sina leng at philip. at ayun, nasalubong ko si erwin. sayang at hindi pa nya kasama si april.
matapos makapagpagupit ng dalawa, sa wakas uwian na! nauna na akong sumakay ng jeep at nakarating ng bahay...nakapagod din ang gumala ngunit pag kasama ang mga kaibigan sadyang nakakatuwa..

ganunpaman, sa mga sandaling kasama ko sila, wala sa plano ang pagkaramdam ko ng kalungkutan.. (teka, pwede bang planuhin ang pakiramdam? hahaha!)
oo, sumama ang loob ko..
marahil dulot ng distansya at kawalan ng pagkakataon at komunikasyon...
wala din naman sa plano un ah!
nang pasukin namin ang bagong mundo, wala kaming magawa kundi ang magkanya-kanya ng mga hakbang. pero kalakip nun ang pangako na mananatiling updated sa isa't isa.
anong nangayari?
hay.. talagang ganun ang buhay, di lahat ng kagustuhan ay natutupad..
well.. sa kabila ng pagkaramdam ko ng hindi magandang pakiramdam,
ako'y nagpapasalamat pa rin dahil wala man sa plano, nakita ko naman ang mga mahal kong kaibigan.
ang DESperada
- desza
- Philippines
- isang desperada na naghahanap ng daan upang maipahayag ang mga damdaming kinukubli ng pagiging isang prinsesa.
Babala:
Pero kung curious ka, sige lang at sayangin mo ang gintong oras mo sa pagdaan dito.
May mapulot ka man o wala, lubos na pasasalamat ang abang maihahandog ko sa'yo.
Maraming salamat po!^^,
samu't sari
Galing sa bauL
des' plurk
be inspired..
Gusto mo nito? kuha ka na ng
komski kowtbox!
Oras mo na!
Get your own Digital Clock
![]()
usap tayo
Ibang Kaharian
-
Kitchen Styles That Never Go Out Of Fashion4 (na) linggo ang nakalipas
-
2026 Day 2492 buwan ang nakalipas
-
-
Components of the Internet6 (na) taon ang nakalipas
-
-
-
-
Sabrina's Grief10 taon ang nakalipas
-
Back and Neck pain help11 taon ang nakalipas
-
Cara Menambah Kontak BBM11 taon ang nakalipas
-
-
Couples Cooking Class Nj11 taon ang nakalipas
-
Top 10 Famous Pin-Ups of all Time!13 taon ang nakalipas
-
My next life plan: get a Master's Degree13 taon ang nakalipas
-
Travel Business on Coastal Vacation13 taon ang nakalipas
-
Online Payday Loan With Instant Approval - When An Unexpected Expense Burdens You14 (na) taon ang nakalipas
-
-
-
-
Fresh Start...15 taon ang nakalipas
-
-
Blogger Friendship Award 2009 ^_^17 taon ang nakalipas
-
-
-
-
-
-
-
-
-



