Jeep at Panaginip  

Posted by desza in , , , ,

Jeep at Panaginip


Ilang oras na ang lumipas nang ako'y magising. Nakapaghilamos na, nakapagligpit ng kuwarto, nakanood ng TV, nakapag-internet sandali. At habang ako'y naglilinis na ng bahay, bigla akong may naalala.

Bigla kong naalala ang panaginip ko kagabi. Isang panaginip na hindi nga pala pangkaraniwan. Isang panaginip na marahil ay isang kahilingan. Isang panaginip na ikaw ang nilalaman.

Bigla kitang naalala.



Nakasakay raw tayo sa isang jeepney. Teka. Jeep? Lagi na lang bang jeep ang setting ng mga panaginip ko tungkol sa iyo? Sabagay, isa nga naman iyon sa mga lugar ng iilang alaala na kasama ka. Kaya in one way or another, ang jeepney ay isa sa mga espesyal na sa akin. (Insert Spongecola's Jeepney here)


(pic from google)


So ganoon nga, nakasakay raw tayo. ngunit hindi ko alam kung saan tayo patungo. Tulad noon, pinili kong makasama ka kahit hindi ko alam kung saan mapupunta ang kung ano man ang meron tayo.

Tapos, may aleng sumakay na may dalang bag. Bumaba ulit siya para may kausapin sandali. Pero biglang umalis ang jeep. Naiwan siya. At naiwan rin ang mga gamit niya.

Di ko mapigilang ikumpara ang aking sarili sa kanya.Tumigil lang kasi ako sandali noon para sa mga pangarap ko, di ko na namanlayan, umalis ka na pala nang di man lang nagpapaalam. Iniwan mo ako agad. naiwan pati mga katanungang kailanman ay di na mabibigyan ng kasagutan. Naiwan naman ang isang parte ng buhay ko sa'yo. naiwan sa'yo ang puso ko.


Tumigil ang jeep sa isang lugar. doon na pala ang destinasyon nito. At dahil nga sa bag na naiwan nung ale, napilitan akong kausapin ka. Nakakatawa, kinausap lang kita dahil kailangan. Kinausap lang kita dahil wala ng ibang pagpipiliian. Kahit na simula pa lang ng biyahe, gustong-gusto na kitang lapitan... gustong-gusto na kitang kausapin. Ngunit hindi ko nagawa. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob.


Masakit para sa akin ang mapalapit sa iyo. Masakit kasi kahit isang metro lang ang layo mo sa akin, hindi pa rin kita malapitan, hindi maabot. At alam mo ba kung ano ang mas masakit? Yung ang lapit mo nga, lahat ng pagkakataon nakalatag na, subalit hindi mo pa rin ako kinausap. Ni hindi mo ako pinansin.



Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na pangyayari. basta ang sumunod na eksena, nakasakay ka na ulit. Sa ibang jeep. Samantalang ako, hindi na muling sumakay.



Nakangiti kang lumisan. Ang tamis.
At ako? Nakangiti ring naiwan. Ang pait.


Nakaalis ka na. Papunta sa iba. Hindi na kita muling makikita. Hindi ka na babalik.


At narito pa rin ako. hindi na muling makasakay sa ibang jeep. Hindi na makausad. Hindi na makaalis.




Napanaginipan kita kagabi. 
Naalala kita ngayon. 
Minahal kita noon. 
Makakalimutan din kita; kung hindi man bukas, darating din ang panahon.

KURIPOT  

Posted by desza


Kuripot!




Malupit na tinig ang iyong hinatid
Ng ako'y humingi ng karampot na himig
Sadyang kay sama ng iyong pakita
Ako naman ay heto pa rin, nagmamakaawa
Kamay mo ay pilit na inaabot
Umaasang huwag tuluyang mahulog
Sa kasawiang sa akin ay pumupulupot.

Ngunit bawat dampi ng daliri, siyang tulak ng pandidiri
Bawat palahaw ng tulong, siyang sigaw ng iyong dunong
Bawat gapang sa'yong paanan, siyang tadyak ng kapintasan...


Ano bang silbi ng aking paghikbi?
Kung tila ikaw naman ay nabibingi.
Walang hanggan ang iyong pang-aapi
Ano ba ang dahilan? Hindi ko mawari!

Nasaan na ang iyong puso?
Di maaninag ni anino nito..
Nakuha mo pang ipagtabuyan, pagtawanan
Ang maralitang sabik lang na malapitan,
naghahanap ng makakapitan.


Sa punit na kumot napilitang mamaluktot,
Giniginaw ang pagkataong nilulumot.
Tanging tampuhan ng pag-asa ay inagaw
Kasabay ng halakhak mong umaalingawngaw!




* Dati ng nailathala sa aking FB  noong Hunyo 25, 2011. 

Ikaw ba'y may LOBO?  

Posted by desza in ,



HINDI sa lahat ng panahon, ikaw ang may alam, ikaw ang magaling, ikaw ang matalino.


Maaaring oras mong mamayagpag NGAYON, pero hindi ba't NOON naranasan mo ring magmukhang-tanga, malait at malito?

Kaya huwag kang basta-bastang mamintas, huwag mong pagtawanan ang kamalian nila, huwag mong tatapakan ang ibang tao.

Tandaan mo, BILOG ang MUNDO.

Baka isang araw, isang DI-INAASAHANG tao ang makaputok sa mala-LOBO mong ULO at ikaw naman ang makaramdam ng panliliit ng pagkatao.

Ewan ko lang kung KAYANIN mo.


(^____^)




"...Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababâ at ang nagpapakumbabá ay itataas.”
~(Lk. 18:14)


nalilito  

Posted by desza in


Dapat nga bang sumugal sa isang laban na alam mo namang walang patutunguhan?


Ano nga bang mas nararapat?


Ang panatilihin na lang nakakubli at hayaang mawala ng tuluyan ang damdaming nagiging dahilan ng mga ngiti at luha? O bigyan man lang ng pagkakataon ang pusong sumaya kahit ang kapalit nito'y tiyak na pagdurusa?


Saan ka nga ba mas liligaya?

Ano nga ba ang mas tama?








PLANS..  

Posted by desza in ,

Few days ago, I’ve watched All My Life. It’s merely a story about 2 different persons with different perspectives. Si Luisa, isang tao na ococ. Lahat ng bagay sa buhay niya nakabase sa mga plano niya. She even lists down the things she needed and wanted to do. Pati ang pinakamaliit na detalye ng mga gamit niya. On the other hand, Sam was a happy-go-lucky guy. Walang kaplano-plano sa buhay. His motto: “Live life as if it’s your last day.” Paano ba naman kasi, maysakit siya and anytime pwede na siyang kunin ni Lord. He is not even using a watch! He didn’t want to focus on time. He just enjoys life. And that’s it. Then yun, their paths crossed and all of the sudden their lives changed.


I wasn’t struck by their love story anyway. Napaisip lang ako sa parang bottomline nito.

PLANS.




Ano nga bang mas maganda? Ang nakaplano o hindi? Luisa planned everything but a single mishap ruined it all. Mas mabuti kayang tumulad kay Sam na nag-eenjoy lang sa present niya at hindi na iniisip ang the next day? No expectations, no disappointments. Mahirap naman pero kung wala ka ngang plano, parang super gulo na ng mundong gagalawan mo. Di mo alam kung san ka pupunta, san mag-uumpisa, san titigil. How would you reach your goals? Parang strategy sa game, how would you win if you don’t even know what to do? But on the contrary, nakakatakot din palang magplano. What if fate wouldn’t allow your plans to happen? Paano pag napakapulido ng plano mo and you’re hoping… expecting that things would fall into place and yet, masisira lang pala ang lahat? Isn’t it more devastating?


Sa ngayon, marami akong plano sa buhay. But the big problem is I can’t even device a plan on how to realize those plans. Kaya nga until now I’ve got this double fear – fear that I don’t know how to play this game and fear that I would not win the game.


Haay.. i think i need big help here.