Ikaw ba'y may LOBO?  

Posted by desza in ,



HINDI sa lahat ng panahon, ikaw ang may alam, ikaw ang magaling, ikaw ang matalino.


Maaaring oras mong mamayagpag NGAYON, pero hindi ba't NOON naranasan mo ring magmukhang-tanga, malait at malito?

Kaya huwag kang basta-bastang mamintas, huwag mong pagtawanan ang kamalian nila, huwag mong tatapakan ang ibang tao.

Tandaan mo, BILOG ang MUNDO.

Baka isang araw, isang DI-INAASAHANG tao ang makaputok sa mala-LOBO mong ULO at ikaw naman ang makaramdam ng panliliit ng pagkatao.

Ewan ko lang kung KAYANIN mo.


(^____^)




"...Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababâ at ang nagpapakumbabá ay itataas.”
~(Lk. 18:14)


This entry was posted on Miyerkules, Oktubre 26, 2011 at Miyerkules, Oktubre 26, 2011 and is filed under , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

2 de palabras

tama.....bilog ang mundo....kung nasa taas siya ngayon ay tiyak may paglagapat din niya,hehe..

Nobyembre 1, 2011 nang 12:37 AM
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
Enero 22, 2012 nang 2:26 PM

Mag-post ng isang Komento