wala sa plano...  

Posted by desza in ,

wala talaga sa plano ang lahat...


Lalong lalo namang wala sa plano ang pagkwento ko dito. Wala lang, hindi naman siguro bawal..db?
Sana naman may magbasa.>>>^^,]

*****
kagigising ko lang ng makatanggap ako ng tawag mula kay leng. may usapan nga pala kami na magkita para makapagapply ng certificate. muntik na namang makalimutan. ayun, binilisan ko na lang ang ritual ko sa umaga at nakipagkita sa kanya.. sa isang mall para magpapicture.

nagkataon namang naroon din pala si john.
laking pagbabago ng kanyang hitsura! umamo ang mukha at tinubuan ng bigote. naalala ko tuloy ang mga masasamang komento ukol sa kanya. pero ganun nga siguro talaga pag kaibigan mo... tanggap mo pa rin at masayang makita siya.

pakatapos kumain at makuha ang mga litrato, nakumbinse ko siyang mag-donate ng dugo sa red cross.. (frustrated nga naman kasi ako, kaya dakilang recruiter na lang).
ayun, nakapagduty din kahit wala pang dalawang oras. nakita't nakausap ko rin ang mga kasamahan ko doon..


Si John at ang kanyang royal blood.


patapos na si john sa "pagligtas ng buhay" ng dumating si francis. ktext ko na pala siya at napagkasunduan naming sabay ng magpunta sa sa aming patutunguhan. laking pasalamat naman namin ni leng at may dala siyang sasakyan. libre ang pamasahe!hehe..

makaraan ang ilang minuto, dumating na rin sina emz, dex at philip. nasa siyudad din pala kasi sila. at sadya rin namang mag-aaply din si emz, lahat na kami ay tumungo sakapital ng probinsya, salamat sa butihing kotse ni francis.

pagkatapos namin doon, naisipan na rin naming pumunta sa eskwelahan at magpagawa ng id. hinihintay na rin kami ni july doon. but to our dismay, di pa pala makukuha - sa "pagbabalik" pa. tsk! pero okay na rin, at least nakita ko at nakausap ang ilan sa mga kaibigan ko doon (mam portz, mam chit, mam xana, mam belle, manang, edison, sir alvin, boss bon., mam onez.) subalit, kamalas-malasan, nakita ako ni vpa at as usual tinanong kung ano ng nangyari sakin. ayoko nga sanang magpakita sa kanya dahil wala akong magandang balita. hay, nahihiya lang ako.

after that, nepo uli kami. naglibre kasi si emz ng siomai at kami ay napabili ng zagu (kahit malamig!). matapos kumain, nagpaalam na sina francis at john, bitbit ang kanya-kanyang dahilan. di rin nagtagal at nilisan na rin namin ang food court.

pagbaba ng escalator, sina honey marie at ate rofel (kasa
ma ang inaaanak ko..>dmi ko ng utang d2) lang naman ang aming nakita.

paglabas ng mall, sa isang salon naman ang tinungo namin - magpapagupit kasi sina leng at philip. at ayun, nasalubong ko si erwin. sayang at hindi pa nya kasama si april.

matapos makapagpagupit ng dalawa, sa wakas uwian na! nauna na akong sumakay ng jeep at nakarating ng bahay...nakapagod din ang gumala ngunit pag kasama ang mga kaibigan sadyang nakakatuwa..



ganunpaman, sa mga sandaling kasama ko sila, wala sa plano ang pagkaramdam ko ng kalungkutan.. (teka, pwede bang planuhin ang pakiramdam? hahaha!)

bakit nga ba?

oo, sumama ang loob ko..
sapagkat out of place ako ;( .. biruin mo, magkakasama nga kayo pero hindi ka makarelate sa mga pinag-uusapan nila. nakikitawa ka na lang, subalit sa totoo lang wala kang masabi.


marahil
dulot ng distansya at kawalan ng pagkakataon at komunikasyon...

wala din naman sa plano un ah!

nang pasukin namin ang bagong mundo, wala kaming magawa kundi ang magkanya-kanya ng mga hakbang. pero kalakip nun ang pangako na mananatiling updated sa isa't isa.
anong nangayari?

hay.. talagang ganun ang buhay, di lahat ng kagustuhan ay natutupad..

well.. sa kabila ng pagkaramdam ko ng hindi magandang pakiramdam,
ako'y nagpapasalamat pa rin dahil wala man sa plano, nakita ko naman ang mga mahal kong kaibigan.





This entry was posted on Miyerkules, Enero 14, 2009 at Miyerkules, Enero 14, 2009 and is filed under , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 de palabras

Mag-post ng isang Komento