Matagal ko ng plano na magpost uli sa blog na ito.. Lalo na nang mabasa ko ang blog ng iba-ibang klase ng blogger. Nakakatuwa kasi.. Malaya nilang naipapahayag ang kanilang mga naiisip at nararamdaman.. At talagang nababasa pa at nabibigyan ng komento.. Iba't ibang kuro-kuro, binigyang kulay ng mga malikhaing panunulat at malikot na imahinasyon. Hay, sana ako rin.
Balik sa sarili kong blog...
Ang dami na namang nagyari sa maikling panahon na nawala ako.. At take note, gusto ko sanang lahat ng iyon ay maisalaysay nang detalyado. Pero panu pa nga ba? Eh mukhang hindi na rin malinaw sa aking alaala.. haizt..
Ganun nga siguro talaga ang mga memories.. Napakaimportante man sa iyo ng pangyayaring iyon, marahil iyon bang ayaw mong pakawalan...subalit darating ang panahon na pilitin mo mang alalahanin ang lahat, madidismaya ka lang sapagkat wala na pala ito...nakalimutan mo na. Panu pa kaya ung mga hindi naman ganun kahalaga?
Hindi naman kasi dinesenyo ang ating utak para kumasya dito ang lahat. Tulad ng mga memory card, kailangan mo ring magbura ng mga alaala. Kung hindi, sasabog ka. (exagge!) Marahil masisiraan ka lang. Hahaha! Un nga lang, nakakalungkot isipin na hindi mo na mareretrieve ang karamihan sa nabura. Buti pa ang computer may recycle bin. Ay mali, tayo palang mga tao ay may ganun ding features. May conscious, subconscious at unconscious mind nga tayong tinatawag di ba?
Sana nga lang kaya nating hugutin sa kailaliman ng ating mga utak ang anumang alaala anumang oras na gustuhin o kailanganin. At sana rin ung mga masasakit at masamang alaala ay kaya nating maitapon nang isang pitik lang.
Samantalang ung mga alaalang nagpapahirap sa'yo, yun pa ung nakatatak at di mabura-bura.