Sakto!  

Posted by desza in , ,


Tatlumpong araw...
Isang buwan...

Sakto nga!


Kani-kanina lang naisip balikan ang palasyong tila nakalimutan na..
Nagdadalawang-isip pa nga akong magsulat sapagkat wala akong maisip maisulat. haha!
Labo-labo na rin kasi ang utak ko dulot ng mga bagay-bagay na nasaksihan, naramdaman, nasubukan, naalala, napuntahan, nagawa... sa loob ng isang buwan.


Ang bilis din pala ng panahon.
Di ko namamalayan ang pagtakbo nito.
Pakiramdam ko tuloy, napagiwanan na naman ako. hahaha!


..Sya: "Ano ka ba Desza, anong napag-iwanan? Kakasabi mo lang na sa loob lang ng isang buwan ay napakarami ng nagpalabo ng utak mo!"

Ako: "Ayon, nga eh, nagpalabo.. wala bang malinaw na daan para sa mga nais kong puntahan?"

..Sya: "Meron. Hindi mo nga lang makita. Kung ano-ano kasi ang ginagawa't iniisip mo. In short, ANG LABO MO."

Ako:
"Kaya nga. Ano bang dapat kong gawin?"

..Sya: "May isang salamin. Isang salamin na napakaganda. Yun nga lang, napakarami nitong bahid ng samu't saring bagay na hindi maipaliwanag kung ano. Iba't iba ang kulay. May puti, itim. rainbow colors.. Ngayon, matatawag pa ba itong salamin kung hindi mo naman makita ang iyong sarili dito? Anong silbi ng isang salaming napakalabo?

Ako:
"Uhm..Display? maganda naman siya kamo..hehe"

..Sya:
"May magagandahan ba sa isang magandang bagay na punong-puno naman ng dumi?"

Ako: "Siguro..."

..Sya: "Sige, maganda na kung maganda. Pero ano naman ang halaga nito kung hindi mo naman magamit ang intended purpose nito?"

Ako: "Oo na, useless na sya."

..Sya:
"So para magamit mo sya, anong dapat mong gawin?"

Ako:
"Ano pa, eh di linisin...duh"

..Sya:
"Mismo. At pag malinis na ito makikita mo na ang dapat mong makita."

Ako:
"Ang sarili ko?"

..Sya: "Naman! At hindi lang yun. Makikita mo rin ang tunay nitong kagandahan. Mas maipagmamalaki mo't maididisplay kung yan ang gusto mo. Higit sa lahat, makikita mo rin kung ano ang nasa paligid mo."

Ako:
"Oo nga noh."

..Sya: "
Matalino ka naman eh. Magpakatino ka lang. Ayusin mo ang utak mo. Malay mo, nariyan lang pala sa tabi-tabi ang hinahanap mo...hindi mo lang makita sapagkat ang labo mo."

Ako: "Ang purpose kung bakit ako nananatili sa mundong ito?"

..Sya:
"SAKTO!"




****************



Tatlumpong araw...
Isang buwan...

Sakto nga!


April 19, 2009 - ang huli kong post.

May 19, 2009 - ang date ngayon.

June 19, 2009 - ano nga ba? Goodbye 19! hahaha!^^,



This entry was posted on Lunes, Mayo 18, 2009 at Lunes, Mayo 18, 2009 and is filed under , , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

2 de palabras

hwow!!! lapit na pala beerday mo eh.. ok lang yan! lasapin mo na ang mga natitirang araw ng pagka 19 mo. ehehe..

Mayo 21, 2009 nang 11:10 PM

hehehe.. salamaT!
un n nga ang ginagawa ko eh..
wahaha! Ingatz!

Mayo 27, 2009 nang 10:46 AM

Mag-post ng isang Komento