Puting Kasinungalingan  

Posted by desza in , ,


Isa sa mga pinakaayaw kong ugali ng isang tao ay ang pagiging sinungaling. Sobra akong naiirita sa mga hindi nagsasabi ng totoo. Lagi ko ngang sinasabi, mas gugustuhin ko pang masaktan ng katotohanan kaysa sa masaksak sa likod ng isang kasinungalingan. In short, i hate lies.



Ngunit di naman kaila sa atin na ang mundong ito ay puno ng kasinungalingan.. Dapat din bang magalit ako sa mundo?
Ang mga tao sa paligid ko'y nagsisinungaling din... Sapat ba itong dahilan upang kamuhian sila?
Ako man, inaamin ko, ay isang dakilang sinungaling... Nararapat din kaya na ako'y mapoot sa aking sarili?

Ayon, narealize kong ang kapal ko pala para sabihing galit ako sa mga sinungaling. Ang araw ko nga lang ngayon ay puno na ng kasinungalingan. Gusto mo bang malaman ang mga kasinungalingan ko ngayong araw? Kung oo, sige basa pa...

> Paalis ako ng bahay. Tinanong ako ni mama kung may pera pa ako. Sabi ko, wala po. kahit ang totoo, may ilang daan pang nakaipit sa pitaka.
> Tinanong din nila ako kung san ako kakain. Makikikain na lang ako sa opisina, ang sabi ko. Pero sa isang fastfood nagkalaman ang sikmura.
> Inalok ko ang isang kasamahan ng pagkaing dala. Buti na lang at umayaw siya pagkat kulang pa yun sa akin. Gutom kaya ako't mahal pa ang pagkakabili ko dun.
> May inutos sa akin. Nakakapagod din ang paakyat-pababa ng hagdan. Okay lang ba ako? Oo sabay ngiti... Hay nagtatanong pa, bakit hindi na lang kaya ako tulungan?
> May batang namamalimos. Wala akong pera eh, sagot ko kahit may ilang barya pa sa aking bulsa.


Ilan pa lang ang mga iyan sa mga pagkakataong hindi ako naging matapat. Pero ano nga kayang mangyayari kung lubos na magiging honest ang mga tao sa mundo? hmmm..

> Kung sinabi kong may pera pa ako kanina, hindi ako bibigyan ni mama. Mababawasan na naman ang matagal ko ng iniipon.
> Kung sinabi kong balak kong dumaan sa fastfood para kumain, mapapagalitan ako't pipiliting kumain muna bago umalis. Late na naman ako nyan.

> Kung hindi ko inalok ang kasamahan ko, sasabihin nila napakadamot ko. Next time di na nila ako bibigyan pag sila naman may pagkain.

> Kung nagreklamo ako sa inutos sa akin, maboboljak ako ni sir. Bawas ganda points.

> Kung sinabi kong may barya pa ako sa bulsa, di ako titigilan ng batang yun at mawawalan ako ng pamasahe.



Tsk.. Tsk.. Tsk.. Mahirap din pala kung super honest ka. Kaya okay lang maging sinungaling paminsan-minsan. Hahaha!

Simple lang na mga white lies ang mga nabanggit sa itaas. Pero aminin natin, may mga pagkakataong tayo ay nagsisinungaling hindi lang sa mga taong nakapaligid, kundo maging sa ating mga sarili. Pinipili nating magbulagbulagan o di kaya ay magbingibingihan sa katotohanan. HIndi man natin gustong manloko, nagagawa pa rin natin. Kadalasan pa nga, mismong mga sarili natin ang ating niloloko. Mahirap talagang gawin ang bagay na kinamumuhian mo, subalit ganun talaga ang buhay... Hindi mo gusto, ngunit kailangan.



Ganunpaman, mas mabuti pa rin kung sa katotohanan tayo nabubuhay, di ba? Masaktan man tayo, at least alam natin na wala tayong niloloko. Okay lang na magsinungaling paminsan-minsan, pero wag naman palagi. Wag mamihasa, baka masanay ka. Baka sa susunod, ikaw mismo hindi mo na masabi kung ano ang peke o ang totoo.

Sabi nga nila, "TRUTH HURTS BUT LIES KILL."

This entry was posted on Linggo, Mayo 31, 2009 at Linggo, Mayo 31, 2009 and is filed under , , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

10 de palabras

ampangit pangit ko talaga!

ngsisnungaling ako,haha filingero tlaga.biro lang po yun.

ako naniniwala sa white lies.basta...hehe

Hunyo 1, 2009 nang 6:21 AM

remember yung award winning ni jim carrey na "liar liar"?

can you stand a 24-hour of purely telling the truth?

Hunyo 1, 2009 nang 10:43 PM
Hindi-nagpakilala  

Whoah! Nice Des!

MAtindi intro mo, lalo na yung last passage. Talagang maiinis ka kapag narinig mo sa iba ang kasinungalingan, pero pag tayo na ang gumagawa nito.. Parang wala lang.

Nice post here ^____^

cheeers!

Hunyo 4, 2009 nang 5:01 AM

aheks...ano nga ba ang meron sa kasinungalingan? ... pero ang totoo nyan wala talagang nakakalusot sa kasinungalingan...minsan hininhingi talaga iyon ng pagkakataon...kahit sino walang lumulusot...

Hunyo 6, 2009 nang 5:22 AM

@HARI NG SABLAY:

ahh..siguro nga white lie lang ung unang statement mo. para naman hindi nila isipin na sinungaling ka. toinks!
bakit ka nga ba naniniwala sa white lies?

Hunyo 6, 2009 nang 5:25 AM

@an_indecent_mind:

di ko pa yun napanood.hihi
gusto ko sanang itry pero mahirap na. hahaha!

Hunyo 6, 2009 nang 5:26 AM

@Dylan Dimaubusan:

Naks, natats naman ako at nagustuhan u post ko...

Yup..pero nakakaguilty rin naman talaga minsan. Nga lang, kadalasan walang umaamin! hehe

Salamat po Ms. D!^^

Hunyo 6, 2009 nang 5:33 AM

@=supergulaman=:

TRUE! Lahat ng tao sinungaling!
Ang lie, white o black o kahit anong color pa yan, lie pa rin db?
Sa reason na lang nagkakatalo...

TY!",

Hunyo 6, 2009 nang 5:38 AM

Sis hindi ka nag-iisa. Marami-rami tayo. Di maiiwasang ang mga white lies na yan.

Hunyo 8, 2009 nang 3:06 PM

lahat ng tao nagsisinungaling at one point or another. hehe

basta kahit anong kulay pa yan, di pa rin yan synonymous to honesty. hehe

minsan din mahalagang importanteng isipin natin kung anong magiging epekto kung magsisinungaling tayo o hindi. minsan kasi may magandang epekto pagnagsinungaling tayo. yung mga hinihingi ng pagkakataon. hehe

Hunyo 14, 2009 nang 12:17 AM

Mag-post ng isang Komento