Tahimik... Madilim... Malamig...
Ang sarap matulog, lalo pa't napagod ako sa katatapos na duty. Dalawa lang ang pasyente na stable naman, kaya nakakapagod talaga ang makipaglaro, makipagkulitan at makipagtawanan sa mga kasamahan... Idagdag pa ang sarap ng kainan. Mabuti na lang talaga at nakisama ang pagkakataon at hindi kami tinoxic ngayon.
Isa sa mga bibihirang pagkakataon na nagkataong tumaon sa araw na madadagdagan ng isang taon ang aking taon. :D
Isa sa mga bibihirang pagkakataon na nagkataong tumaon sa araw na madadagdagan ng isang taon ang aking taon. :D
Ayoko pang matulog.. Kahit nagrerebelde na ang talukap ng aking mga mata. Sumasabay pa ang pagtibok ng aking ulo (yup, hindi po puso), masakit na raw siya.. Inaaya na rin ako ng kama, unan at kumot sa panaginip. Ngunit ayaw akong payagan ng utak ko. Ang dami pa kasing naglalaro sa kanya. Parang walang kapaguran, walang katapusan.
Hay, bilib talaga ako sa utak kong 'to. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, pero marami na rin siyang napahanga... Hindi lang nila alam, kadalasan hindi siya nagagamit ng tama. Hahaha.. At marami na rin siyang napagdaanan. At tingnan mo naman, pagkatapos ng dalawampung taon, hindi pa rin siya bumibigay (kahit mukhang malapit na ata, hehe).
Alam ko, mas marami pang tidbits of knowledge, experiences, challenges at memories ang papasok sa kanya at makikipaglaro. Sana kayanin pa nya... Sana hindi sya tuluyang masira at itapon sa mundo ng schizophrenia. ^^,
Para hindi mangyari yun, mukhang kailangan ko na muna siyang ipahinga. At sana bukas sa aking paggising, mga masasayang alaala naman ang dumagdag sa koleksyon nya.
MALIGAYANG KAARAWAN sa'yo DES!
This entry was posted
on Huwebes, Hunyo 18, 2009
at Huwebes, Hunyo 18, 2009
and is filed under
ako,
alaala,
buhay-prinsesa,
kaarawan
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.