promise  

Posted by desza in , ,



Deariz,


You have come a long way. Now you've proven it...even though you still have a long way to go. You are indeed special! Please do not ever question your significance as a person again. You know many appreciate you not only as a person but also as a true friend. And even if some think the other way, you know in your heart that you have nothing to be upset about. Many people love you for what you are. Perhaps they really do not know the 'real' you but at least they appreciate you. Please love yourself unconditionally.

GOD LOVES YOU.



Tumambad sa akin ang sulat na yan habang nagghahalukay ako sa mga inaalikabok ng gamit ko sa cabinet. Naguilty naman ako bigla. May papramis-pramis pa ako sa sarili ko nun, di ko naman matupad. May mga pagkakataon kasi na kahit anong positive na ilagay sa utak, naaatract pa rin ang mga negative vibrations. And you just can't help but feel bad...and worse, empty. Tapos, darating pa ung time na gusto mong umiyak, sumigaw at ilabas lahat ng sakit at sama ng loob. Pero magmumukha ka namang tanga kung basta-basta ka na lang gagawa ng eksena without any definite reason, di ba? Magtataka naman mga tao sa paligid mo. For sure uusisain ka pa kung ano bang problema. Baka mailabas mo pa nang wala sa oras ang mga bagay na di na nila dapat pang malaman. O baka bigla ka na lang damputin at dalhin sa mental. hehe!

Ewan ko ba kung bakit itong mga nakaraang araw eh nag-eemote-emote na naman ako. Di ko naman siguro sinasabayan ang pagiging lonely ng friend ko dahil sa break-up nila ng kanyang girlet. O ang pagdadalamhati ng best ko sa pagkawala ng kanyang lola.. O ang heartaches ng isa ko pang friend dahil sa betrayal of trust ng friend nya at ng babaero niyang mahal.

Ako? Ano nga bang problema ko?

Marami. Nangunguna na jan ang pera. HAhA! Meron din sa puso, sa pamilya, at sa career. Ganunpaman, kumpara naman sa problema ng iba, isang maliit na binilog
na buger lang ang mga problema ko sa ngayon. So bakit naiisip ko ang mga naiisip ko?


Naisip ko tuloy ipaskil ang sulat na yun dito sa palasyo ko, pati na rin sa isang sulok ng barong-barong namin.
Para naman lagi kong nakikita.
A reminder of a promise.



I am blessed, recognized, and loved. And there's no reason for me to feel that way.^__^





This entry was posted on Martes, Hulyo 14, 2009 at Martes, Hulyo 14, 2009 and is filed under , , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

6 de palabras

tama yan desza, hanapin mo yung mga kakulangan ng iba, kapag nahanap mo na yung mga wala sila saka mo marerealiza na maswerte kang talaga..

smile lang lagi

Hulyo 14, 2009 nang 5:28 AM

onga noh..hehe
meron silang ano na wala ako
pero for sure meron akong ano na wala sila. hahaha

salamat!

Hulyo 15, 2009 nang 4:24 AM

tama yun, makikita mo talaga ang kasaganahan mo sa kahirapan ng iba..

minsan pumasyal ka ng baclaran at pagmasdam mo yung mga bata dun, nakakaawa lalo na kapag umuulan, nilalamig sila.

Hulyo 16, 2009 nang 1:17 AM

parang nalungkot ako sa new post mo..

Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope you read it..

Hulyo 16, 2009 nang 8:04 AM

pareho pala tayo ng mga problema,haha emo-emohan ka din pala dati,haha ako din eh hnga ngayon,lols

Hulyo 18, 2009 nang 10:57 AM

Nice blog. You are so cute. I think I love you.

PS: Let's vote for Dick Gordon and Bayani Fernando!

Check this out:
Gordon SLAMS Noynoy, Villar, Erap and Gibo

http://www.youtube.com/watch?v=AimivBp0MU4&feature=player_embedded

Mayo 1, 2010 nang 8:32 AM

Mag-post ng isang Komento