Hope, Believe, Love...  

Posted by desza in ,



"It's a time to hope again..
a time to believe again..
a time to love again."

Nabasa ko lang yan sa fb kanina.. sa fb na nakakasawa na rin palang pag-aksayahan ng panahon. Until i remembered my blog - my used to be favorite hide-out. And so i thought...

Is it also a right rime to go back to the blogosphere?

Halos isang taon na rin pala ang lumipas.. Wala na rin akong magawang matino kaya't heto, naisipan ko g bihisan ang aking nilulumot, inaagiw at kinakalawang ko ng palasyo. (Downloaded template nga lang kasi di ko naman alam kung panu gawin.haha!) Matagal ko ng ninanais na bigyan muli ito ng buhay, pero sa tuwing tatangkaing 'tong gawin ito ay walang nagyayari.. Ewan ko ba kung anong ispirito ang sumapi sa akin ngayon at mukhang matutupad ko na rin sa wakas.. SANA NGA..

Pero bakit nga ba bigla na lang akong nagkainteres dito?
Siguro dahil sa wala na naman akong magawa..
Siguro dahil sa nainspire o sabihin na ting nainggit ako sa mga blogs na mas madalas ko pa ngang mabisita kaysa sa sarili kong blog..
Siguro dahil sa namimiss ko na nga ito.
O siguro, siguro lang... dahil sa mga pinagdadaanan ko ngayon.

Napakarami kasi ng gumulo sa aking magulo ng utak. Mga bagay-bagay na hindi ko maipaliwanag. Sabagay, sa totoo lang, napadpad ako noon sa lugar na ito ng dahil sa utak ko. Para sana meron siyang mapaglandingan. Nang sa gayun ay baka maintindihan ko rin o ng ibang tao ang nais niyang ipahiwatig.

Kayakayanin ko nga ba? Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan ang isang bagay na matagal ko ng napabayaan. Lalo pa't noon pa man, hirap na talaga akong mag-open up. Masikreto nga raw ako at maraming tinatago. Hindi ko nga maiexpress ang feelings ko. That's why I'm trying to do it through writing. Kaya lang, sablay pa rin tayo dyan. Kasi kahit dito na nga lang, i still find it hard to express what i really want to. Hindi naman kasi kasing likot ng iba ang imahinasyon ko, o kasing lawak ng iba ang bokabularyo ko.

But wait, teka muna..
Sabi nga ng marami,
write to express and not to impress, di ba? So bakit ko ipagkakait ang simpleng kaligayahang ito? Care ko kung may matuwa o mainis, kung may makaintindi o magsayang ng oras, kung may magbasa man o wala? Basta ang importante, hindi nagrebolusyon ang mga neurons ko at nabawasan ang mga kinikimkim kong kung anu-ano. At least, hindi ako mag-eexplode daba?


I guess it really is the right time. Bahala na kung anong mangyayari sa susunod na kabanata.



I'll just HOPE and try to BELIEVE that I will learn to LOVE blogging more than ever.




This entry was posted on Linggo, Mayo 30, 2010 at Linggo, Mayo 30, 2010 and is filed under , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

4 de palabras

kung ano ang nasa puso mo. sundin mo

Hunyo 2, 2010 nang 12:15 AM

yup you dont have to impress us. just go on with your blog. readers like me love to read posts from the heart. have a good one!

Flor
kcatwoman
ldspinay

Hunyo 9, 2010 nang 10:53 AM
Hindi-nagpakilala  

same here ate prinsesa. madami akong gustong i-share, maraming pumapasok sa isipan ko na gusto kong isulat pero pag nariyan na ako... parang nawawala lahat. haaaaay... pero mapadpad man ako sa ibang blogsite, maadik man ako sa pakikipagkilala sa iba, itong blog na to pa rin ang pinakamahalaga... kasi ako yung nandito... dito sa blogger nakikilala ko si "ako". haha. ang gulo ng comment ko. parang nagdaldal lang ako e. :)

Hulyo 18, 2010 nang 2:25 AM

sulat lang ng sulat! :)

naaappreciate ng mga readers ung mga istorya na kaparehas ng pinagdadaanan mo.

Marso 20, 2011 nang 6:01 AM

Mag-post ng isang Komento