isang pag-amin..  

Posted by desza

ako, isang prinsesa?

napakalaking pagpapanggap...

hanggang pangarap lang naman ako diyan.
isa lang naman akong ordinaryong babae na nangangarap magmahal at mahalin..(naks!)

oo, batid ko naman na marami ang humahanga sa akin at naiinggit sahil sa taglay kong dunong. nakapagtataka, bakit hindi nila makita na ang dunong na ito ay hindi ang dunong na kanilang inaakala... marami pa akong hindi alam, maraming hindi naiintidihan, at maraming gumugulo sa isipan.. kung alam lang nila..

hindi na man sa takot kong ipaalam sa kanila ang bawat laman ng isipan ko.. ng puso ko...hindi kasi sila naniniwala sa akin.. marahil, ako lang ang hindi naniniwala sa aking sarili.. o hindi ko lang siguro kayang ipaliwanag kung ano nga ba talaga ang nais kong iparating.. kaya nga heto, isinusulat ko na lang sa butihing blog na ito ang kahit anong maisulat ko. (hahaha...)


sa dinami-rami ng mga blog na sinimulan kong gawin, wala pa ata akong naituloy ni isa. sana man lang ang blog na ito'y maalagaan ko at maparami.


sana'y may naintindihan ka sa mga nasabi ko..sapagkat pati ako ay naguluhan dito...



ito ang aking unang katha..

>>>des.



This entry was posted on Linggo, Disyembre 7, 2008 at Linggo, Disyembre 07, 2008 . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

2 de palabras

saya naman ng blog mo =)

Pebrero 14, 2009 nang 4:46 AM

@unnoticeably:

salamat po. haiz.. adik na ko!

Pebrero 16, 2009 nang 6:52 PM

Mag-post ng isang Komento